Si Rufuerzo ang umiskor ng dalawang free throws na nagbigay ng tatlong puntos na kalamangan sa Perpetual bilang final score, siyam na segundo pa ang nalalabing oras para sa huling posesyon ng CSJL Knights.
Ngunit dahil sa kabayanihan ni Misa na naka-steal mula kay Boyet Bautista ang tuluyang nagselyo ng panalo ng Altas na humatak ng kanilang winning streak sa limang sunod na panalo upang solohin ang pangkalahatang pamumuno sa 5-1.
Sa unang laro, nakadikit na ang Philippine Christian University sa tatlong puntos, mabuti na lamang at nagising ang Mapua Institute of Tech-nology sa endgame para mapreserba ang 90-85 panalo sa unang seniors game.
Sa unang laro, pinasadsad naman ng PCU Baby Dolphins ang MIT Red Robins, 85-69. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)