Wala pa raw natatanggap na letter of complaint si Kenneth Duremdes mula sa nag reklamo niyang diumanoy unang asawa. Hindi pa raw niya alam kung ano ang gusto nito. So for the meantime, hindi na muna sila magsasalita.
Sa July 23 na ang opening ng Danny Espiritu Cup. Pitong taon na pala ito at matibay na rin. Maraming teams ang sumasali sa ligang ito. Marami na rin itong natulungang players na bumalik ang career sa PBA. Siyempre pa, inaasahang may mga PBA players na dadalo rito. Sa Lyceum gym gagawin ito. Si Ted Magno ang siyang tournament director.
Isang dating PBA player ang ngayon ay wala ng team. Marahil ay alam niya na ngayon kung ano ang ibig sabihin ng utang na loob.
Dalawang agents na kasi ang humawak sa kanya at sa parehong instances, hindi man lang niya biniyayaan ang mga taong nakatulong sa kanya para makapirma siya ng kontrata.
Sandali lang siya sa PBA, pero ngayon ay tuluyan ng naglaho ang career niya dahil wala ng kumuhang team sa kanya.
Tingnan nyo na lang itong isang pro player na nasa Shell.
Ilang taon na siya sa team pero hanggang ngayon, bangko pa rin.
Nanganganib pa siyang matanggal dahil bago na ang coach at mukhang di type ang style niya,
Nung nasa college at PBL pa lang yan, todo suporta sa kanya ang ilang kaibigan niya.
Pero nung makarating sa PBA, ni ha, ni ho, hindi na niya kilala yung mga taong tumulong sa kanya.
Ngayon, nasa dilim pa rin ang career niya.
Oo ngat nasa Shell team siya pero lagi namang nag-iinit ang puwet niya sa bangko dahil hindi siya nagamit.
Pasasaan ba yan at mare-realize din ng management na sayang lang ang pinapasueldo sa kanya,
Gusto nyo ba ng quail theraphy and massage. Well, punta lang kayo sa Blue Palm na nasa unit 116 Homerson Building Bataan Ext cor. Bagumbayan st., Bacood, Sta. Mesa. garan-tisadong maiibsan ang pagod nyo sa husay ng mga therapists, reflexologists, and male masseurs. Call na lang kay Don sa 7136553 at cell 09174552031.