World Pool Championships:Luat,Orcullo 'di nakausad sa quarterfinals
July 18, 2004 | 12:00am
Kung anong suwerte ang inabot ni Marlon Manalo nang patuloy ang panonorpresa nito sa higanteng cue masters, malas naman sina Dennis Orcullo at Rodolfo Luat na kapwa hindi nakaabot sa round of 16 ng prestihiyosong World Pool Championship na ginaganap sa World Trade Center sa Taipei.
Nagpamalas ng sorpresang lakas ang hometown bet na si Pei Wei Chang upang igupo si Orcullo, 11-5.
Nilagpasan ng batang Taiwanese na si Chin Chin Kang ang paghahabol ng Pinoy na si Luat, na mula sa 2-6 pagkakabaon ay bumangon ito upang maitabla ang iskor sa -7-7 mula sa ekselenteng pool ngunit dalawang suwerteng tira na gamit ang jump cue ang nagbigay kay Kang ng 2-9 combination makaraang magmintis si Luat sa mahabang bank shot sa 9-ball na ikinasiya ng mga Taiwanese fans.
Bunga ng kabiguang ito, naiwan na lamang si Manalo na nag-iisang Pinoy na nasa quarterfinals makaraang isama sa listahan ng mga biktima niyang may malalaking pangalan si Efren Bata Reyes, 11-4.
Isa pang malaking pangalan ang nalaglag nang paluhurin ni Po Cheng Kuo si 2002 champion Earl Strickland, 11-8.
Bagamat si Manalo lamang ang tanging Pinoy na nakausad sa quarterfinals, isa pang Pinoy ngunit kinakatawan naman ang Canada na si Alex Pagulayan ang umusad sa susunod na round nang gapiin niya si Chien Che Huang. Sorprersa ding nakapasok si Johnny Archer nang daigin niya si Nicolas Bergendoff at umabot din si 2000 cham-pion Fong Pang Chao sa quarters nang patalsikin niya si Imran Majid ng Britain.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang nakikipagtunggali si Manalo sa isa pang sorpresang quarterfinalist na si Marcus Chamat ng Sweden.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended