JVC Open Badminton Championships: FEU,UE binanderahan ang semifinalists
July 17, 2004 | 12:00am
Winalis ng Far Eastern University at University of the East ang kanilang grupo upang pangunahan ang mga semifinalists sa mens class ng collegiate division ng JVC Open Badminton Championships sa Powersmash sa Makati.
Sa kabilang dako, ipinoste naman ng Ateneo at University of Santo Tomas, ang magkatulad na three-game sweep upang manguna naman sa kababaihan ng JVC-sponsored event na ito na magbibigay ng kabuuang premyong P20,000.
Pinayuko ng FEU shuttlers na pinangunahan nina Christopher Flores at Mark Natividad ang Ateneo, College of St. Benilde at UP-Diliman sa pamamagitan ng 3-0 pananalasa upang makuha ang pangunahing puwesto sa Group 1 habang ang UE na binanderahan nina Dodie Sertan at Den Dimarucut ay blinangko naman ang UPLB at PUP at igiupo ang UST, 2-1 para makamit ang No. 1 berth sa Group 2.
Makakasama ng FEU at UE sa crossover semis ay ang UP-Diliman at UST na nagtapos ng magkatulad na 2-1 baraha.
Ang Ateneo lady shuttlers na pinamunuan nina Irene Chui at Andrea Go ay ginapi ang PUP at CSB via 3-0 panalo at pinataob ang UP-Dili-man, 2-1 para pangunahan ang Group 1 habang ang UST na binanderahan nina Lennie Villanueva at Kristina Tolentino ay pinayuko ang FEU, UE at UPLB para mamuno sa Group 2.
Nakapasok din sa crossover semis sa kababaihan ang UP-Diliman at FEU, na may 2-1 record sa torneong suportado ng Technomarine, Colours, Alaska, Rudy Project, Accel, Ayala Center, The STAR, Tokyo Tokyo, Lactacyd, 103.5 K-Lite, Pioneer Insurance, Gosen at Victorinox Orginal Swiss Army Knives.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended