^

PSN Palaro

Isa pang Fil-Am swimmer pasok sa Athns Olympics

-
Matapos ang ilang araw na paghihintay, napasama na rin si Fil-Am swimmer Jackie Pangilinan sa Philippine Team na sasabak sa 2004 Olympic Games sa Athens, Greece.

Inaprubahan na ng International Swimming Federation (FINA) ang pagkakapasok ng 16-anyos na si Pangilinan sa RP delegation.

Ang naturang direktiba ay mula na rin sa isinumiteng dokumento ng USA Swimming na nag-papatunay sa mga naitalang rekord ni Pangilinan sa women’s 100 at 200-meter breaststroke na kanyang nilangoy sa isang kompetisyon sa Orlando, Florida.

Ang Fil-Am tanker ang ikaapat na Filipino swimmer na nasa RP Team para sa 2004 Athens Games matapos sina Miguel Molina, Miguel Mendoza at James Walsh.

Umabot na sa 15 ang bilang ng mga Filipino athletes na kakampanya sa Athens sa Agosto, 13-29.

Ang iba pa ay sina boxers Romeo Brin, Harry Tanamor, Violito Payla at Christopher Camat, taek-wondo jins Tshomlee Go, Donald Geisler at Maria Antonette Rivero, tracksters Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan-Gabito, trap shooter Jethro Dionisio at archer Jasmine Figueroa.

Isang atleta pa sa rowing ang inaasahang makakakuha ng wild card entry bago ang pagsusumite ng listahan ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa nasabing quadrennial meet.

ANG FIL-AM

ATHENS GAMES

CHRISTOPHER CAMAT

DONALD GEISLER

EDUARDO BUENAVISTA

HARRY TANAMOR

INTERNATIONAL SWIMMING FEDERATION

JACKIE PANGILINAN

JAMES WALSH

JASMINE FIGUEROA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with