80th NCAA Basketball Season: Stags nanalo rin
July 10, 2004 | 12:00am
Matapos ang dalawang matamlay na laro, pumutok na rin sa wakas si Leo Najorda at inangkin na ng San Sebastian College-Recoletos ang kanilang pambuenamanong tagumpay sa 80th NCAA season bas-ketball tournament.
Umiskor si Najorda, ang MVP noong nakaraang taon, ng 21 puntos upang pangunahan ang Stags sa 74-65 paggapi sa Philippine Christian University kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Ang panalo ay una ng Stags matapos ang dalawang sunod na kabigu-an, na nagbigay ng isa sa pinakamasama nilang pasimula sa mga nakalipas na taon. Ang Baste ay mayroon na ngayong 1-2 rekord habang ang PCU ay nahulog sa 2-2.
Matapos ang malam-yang pagpapasimula, agad na bumangon ang Stags at nakipaggitgitan sila sa Dolphins hang-gang sa pagtatapos ng ikatlong yugto.
Tangan ang manipis na isang puntos na kalamangan sa pagpasok ng huling 10 minuto, isang 13-7 run ang pinamunuan nina Najorda at Pep Moore upang iangat ang Stags sa mas komportableng 63-56 bentahe, na kanilang napangalagaan hanggang huli.
Sa ikalawang laro sa seniors, nanaig ang Colegio de San Juan de Letran kontra sa Jose Rizal University, 62-45.
Sa Juniors, tumikada si James Mangahas ng 38 puntos para buhatin ang PCU Baby Dolphins sa 103-99 paglusot kontra sa San Sebastian Staglets sa overtime. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended