Red Lions pinigil ng Dolphins
July 6, 2004 | 12:00am
Nilimitahan ng Philip-pine Christian University ang San Beda College sa aanim na puntos sa huling yugto upang irehistro ang 55-42 pagsilat kahapon sa 80th NCAA season basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
80th NCAA Basketball Season: Red Lions pinigil ng Dolphins
Batid na hindi nila kayang makipagsabayan sa opensa, isang mala-pader na depensa ang inilatag ng Dolphins upang pigilan sa pagpuntos ang Red Lions at masungkit ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay.
Sa juniors, pumukol si Ogie Menor ng 26 puntos habang sina James Marti-nez at JR Taganas ay may 16 at 13, ayon sa pagkakasunod, para trangkuhan ang defending champion San Beda Red Cubs sa pagposte ng isa na namang demolisyon, sa pagkakataong ito laban sa PCU Baby Dolphins, 98-77.
Sa ikalawang laro ng seniors, iniratsada ni Erwin Sta. Maria ang kan-yang 21 puntos upang dalhin ang Mapua Cardinals sa kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa JRU Heavy Bombers, 76-62.
Yumuko rin ang Lights Bombers sa Red Robins, 76-73 sa juniors.
(Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am