^

PSN Palaro

Shakey's V-League: Isa na lang sa Uste

-
Umusad papalapit sa titulo ang University of Santo Tomas nang mabu-wag nila ang depensa ng La Salle sa pamamagitan ng solidong kills upang mahatak ang 17-25, 25-21, 25-16, 25-16 tagumpay kahapon at lumapit sa pagkuha ng korona sa Shakey’s V-League sa dinumog na Lyceum Gym.

Nanalasa ang power hitting troika nina Mary Jean Balse, Venus Bernal at Joyce Pano sa net upang pagsamahin ang 44 puntos, 32 nito mula sa atake, nang iselyo ng Tigress ang panalo na tumagal lamang ng dalawang oras at ikamada ang 1-0 abante sa kanilang maikling best-of-three series.

Ngunit higit sa malulutong na kills, malaking papel ang ginampanan ng depensa.

At katunayan, lima sa game-high 16 puntos ni Balse ay mula sa blocks habang nagdagdag si Anna Eliza Fulo ng apat pang pagba-blangka. Nag-ambag din sina Bernal at Pano ng tigatlo upang pigilan ang top spikers ng La Salle.

Tatangkain ng España-belles ang korona sa Linggo kung saan muling inaasahang dadayo ang kanilang ka-tropa sa Intramuros upang i-cheer ang kani-kanilang koponan sa event na ito na itinataguyod ng Shakey’s at ipinalalabas ng ‘live’ sa IBC-13.

Nagpakitang-gilas ang La Salle skipper na si Maureen Penetrante nang pangunahan nito ang lahat ng scorers sa kanyang 23 puntos, 15 nito sa atake at 7 sa blocks ngunit hindi naka-asa sa suporta ng kanyang mga kakampi na sina Desiree Hernandez at Carissa Gotis.

ANNA ELIZA FULO

CARISSA GOTIS

DESIREE HERNANDEZ

JOYCE PANO

LA SALLE

LYCEUM GYM

MARY JEAN BALSE

MAUREEN PENETRANTE

SHAKEY

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with