^

PSN Palaro

Itotodo na ng Gin Kings

-
Kung kilala mo si Ginebra coach Siot Tanquingcen, huwag mo nang asahang marami itong sasabihin tungkol sa kanyang nakatakdang championship series kontra sa Red Bull.

"Man of few words," ika nga.

Ngunit makakaasa kang gagawin nito ang lahat upang mabigyan ng titulo ang crowd favorite Barangay Ginebra na huling nagkampeon noong 1997.

Tungkol sa tsansa ng Gin King sa titulo, ito lamang ang masasabi ni Tanquingcen.

"50/50 siguro. Malakas at mabilis kasi sila (Barakos) e. It will be a struggle for us," aniya.

Kahit nasa kampo na ng Ginebra ang dating trainer ng Red Bull na si Kurt Thomas, hindi ito kinokonsiderang bonus ng 32 gulang na si Tanquingcen.

"We know basically what Red Bull does. Of course, Kurt works with us right now and of course sometimes he share some ideas of how Red Bull play basically. It’s no secret really because if you carefully watch the game, you will know," paliwanag ni Tanquingcen.

Tulad ni Red Bull coach Yeng Guiao, inaasahan ni Tanquingcen na magiging pisikal ang laro. Halos pantay sa lahat ng aspeto ng laro ang dalawang teams.

Kung sinong mananalo?

"I think it’s the team that can make adjustments during the game and the series. The strength of both teams are pretty similar so its probably how you use the strength and take advantage of it."

Ni sa hinagap ni Tanquingcen ay hindi sumaging makakarating ito sa kampeonato sa kanyang unang taon ng pagko-coach.

"I din’t even think I can get the job," wika ng laging nakayukong si Tanquingcen sa tuwing ini-interview. "I hope I can give back the trust that the Management gave me."

Kung wala pang masabi si Tanquingcen ngayon, hintayin na lamang natin kapag nakuha ng Ginebra ang titulo sa transition tournament na ito.

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

GIN KING

GINEBRA

KURT THOMAS

RED BULL

SIOT TANQUINGCEN

TANQUINGCEN

YENG GUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with