^

PSN Palaro

Negosasyon sa pay-per-view event sa Pacquiao vs Barrera rematch niluluto

-
Mula sa Amerika, nakatanggap ang PSN Sports ng balita kahapon galing sa isang major player sa boxing promotions doon na niluluto ng HBO na gawing isang pay-per-view event ang Manny Pacquiao-Marco Antonio Barrera rematch sa Nobyembre.

Pag nagkataon mapapasabak sa kauna-unahang pagkakataon sa isang pay-per-view event ang isang Pilipino boxer bagamat dalawang beses na ring lumabas sa pay-per-view si Pacquiao nuong siya ay naging undercard ng mga laban nina Oscar dela Hoya at Javier Castillejo at maging ang laban nina Lennox Lewis at Mike Tyson.

May negosasyon na ang HBO at ang kampo nina Barrera at Pacquiao. Si Barrera ay kakatawanin ng Golden Boy Promotions ni Oscar dela Hoya at si Pacquiao naman ay hawak ng M&M Sports ni Murad Muhammad.

"Magandang balita ito na mukhang lumilinaw na paglalabanin muli sina Pacquiao at Barrera," ayon sa PSN Sports insider na naka-base sa Los Angeles. "Talaga namang mas maganda ang rematch nina Pacquiao at Barrera kaysa sa labanang Barrera at Erik Morales."

Bumulusok muli ang career ni Barrera matapos nitong bugbugin si Paulie Ayala noong Linggo sa Home Depot Center sa Carson, California.

Bago ang labang ito ay ginulpi ni Pacquiao sa loob ng 11 rounds sa San Antonio, Texas, noong Nobyembre 2003 si Barrera.

Huling lumaban si Pacquiao nito lamang Mayo 8 kontra kay Juan Manuel Marquez ng Mexico sa MGM Grand Garden sa Las Vegas. Nagtapos sa isang kontrobersyal na 12-round split draw ang labang ‘yun matapos makabalik mula sa tatlong bagsak si Marquez sa first round.

vuukle comment

BARRERA

ERIK MORALES

GOLDEN BOY PROMOTIONS

GRAND GARDEN

HOME DEPOT CENTER

JAVIER CASTILLEJO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

LENNOX LEWIS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with