^

PSN Palaro

Hawkins balik-Alaska

-
Muling isusuot ni Bong Hawkins ang uniporme ng Alaska sa pormal na pagbubukas ng ika- 30th season ng Philippine Basketball Association sa Oktubre.

Pumayag na ang dating star ng Perpetual Help, na maglaro uli sa kanyang dating team ng siyam na taon matapos itong tanggalin ng Coca-cola Tigers bago ang quarterfinal round ng kasalukuyang Gran Matador PBA Fiesta Conference.

At masaya naman si Alaska Aces coach Tim Cone sa kanyang pagbabalik.

"He (Hawkins) will be a big help to our team because what we need at the moment is a No. 3. That was the position that Galen Young filled up for us. With Young gone, Hawkins can do the job," ani Cone.

Si Hawkins ay inilagay sa unrestricted reserve list ng Coca-cola nang i-aktibo ng Tigers si Freddie Abuda. At dahil sa kanyang kalagayan walang dapat bitawan ang Aces para muling makuha ang serbisyo ni Hawkins.

"This team is loaded at the 1-1 and 4-5 positions. We have a lot of good guards and big men. But they are still very young. The experience of Bong will definitely help us in the All-Filipino," dagdag ni Cone.

Sinimulan ni Hawkins ang kanyang career sa Presto noong 1991. Nang mag-disband ang Gokongwei franchise, kinuha siya ng Sta. Lucia noong 1993 ngunit isang conference lamang ang nilaro niya bago ipinamigay siya sa Alaska.

Sa Aces, naging bahagi si Hawkins ng koponang nakakumpleto ng Grand Slam noong 1996. At noong 2002, lumipat si Hawkins sa Tanduay na nag-disband din sa pagtatapos ng season kung saan binili ng FedEx ang prangkisa. Hindi nakalaro si Hawkins sa Express kung saan nagkaroon ng kaguluhan sa kanyang kontrata.

Muling nakabalik sa PBA si Hawkins noong nakaraang taon nang papirmahin siya ng Coca-cola. (Ulat ni ACZaldivar)

ALASKA ACES

BONG HAWKINS

FIESTA CONFERENCE

FREDDIE ABUDA

GALEN YOUNG

GRAN MATADOR

GRAND SLAM

HAWKINS

PERPETUAL HELP

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with