Anyway congrats sa iyo Koy at sa Viva Mineral Water.
Eh bakit nga ba hindi, bukod sa ang gagaling na nila ang gaganda pa nila. Lalong-lalo na sa La Salle team. Ika nga ng ka-officemate kong si Kamote" kung pwede ba daw siyang magkober ng volleyball. Akala ko naman coverage talaga ang habol yun pala gusto niyang koberan ang mga nag-gagandahang volleyball players.
Sa kuwento pa lamang ni Kamote hindi malayong matupad ang pangarap ng Sports Vision Management Group Inc. na maibalik ang glorya ng larong volleyball.
Kasi ngayon nagsisimula pa lamang ito, at kapag palagian na ang ganitong klaseng torneo, ibig sabihin unti-unti na ngang nagbabalik ang volleyball bilang pangunahing laro ng mga Pinoy.
Kaya congrats sa lahat ng bumubuo ng SVMGI at sa kanilang sponsor na Shakeys sa pagbibigay ng importansiya sa volleyball bilang sports ng bansa.
Yun lang!
Ibat ibang media from television, broadcast and print ang inanyayahang sumali sa torneong ito na naglalayong paglapitin ang mga media people.
Bongga di ba?
Kasama din sa team sina Manny Liwag at Jules Laurente.