Shakey's V-League: SSC belles umaasa ng semis vs UST
June 22, 2004 | 12:00am
Umaasa ang San Sebastian College na mai- popormalisa nila ang pag-usad sa semifinal round sa Shakeys V-League sa kanilang pagtatangka ngayon sa pinaka-importanteng panalo kontra sa semifinalist ng University of Santo Tomas habang sisikapin naman ng Far Eastern University na mabuhay ng isa pang araw kontra sa Lyceum sa penultimate playdate ng event sa Lyceum gym.
Ang kanilang kampanya sa semis na biglang naharangan ng tatlo pang ibang koponan--Letran, Lyceum at maging ng FEU--inaasahang ibubuhos ng SSC netters ang lahat ng kanilang lakas kontra sa UST sa kanilang pang-alas-5 ng hapon na laro upang makopo ang ikatlong puwesto at maiwasan ang do-or-die match na laban sa FEU sa pagsasara ng elimination sa Huwebes.
Samantala, ang Lady Tamaraws na magtatangkang manatiling buhay ang pag-asa sa kanilang pakikipagtipan sa host school sa alas-3 ng hapon na engkuwentro, ay desperadong makuha ang ikalawang panalo sa pitong laro at tsansang makatabla para sa ikaapat at huling semis slot.
Ang FEU-Lyceum duel ay ipapalabas sa telebisyon sa IBC-13.
Nakigulo ang Letran para sa karera sa semis nang daigin nila ang Lyceum sa apat na sets noong Linggo at ibigay sa Lady Knights ang paki-kihati sa ikaapat na puwesto kasama ang kanilang biktima sa 2-5 baraha.
Ang La Salle at UST, pinagpala ng talento at power hitting rosters, ay nakuha na ang unang dalawang slots kung saan ang una ay nakaganti sa kanilang first round na kabiguan kontra sa huli noong Linggo.
Lumaban ang La Salle netters mula sa two sets na pagkakahuli at kinum-pleto ang 19-25, 19-25, 25-13, 28-26, 15-13 pa-nalo sa labang pinanood ni Leo Prieto, chairman ng International Family Food Services, may-ari ng nagtataguyod na Shakeys.
Ito ang unang kabiguan ng Tigress matapos ma-sweep ang unang anim na laban kung saan umaasa ang Lady Stags na kanilang masundan ang tagumpay ng La Salle para ipormalisa ang kanilang pagpasok sa susunod na round sa event na suportado din ng Accel at Mikasa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended