^

PSN Palaro

Super GM taob kay Paragua

-
Ginulantang ni International Master Mark Paragua (ELO 2529) ang lahat ng kanyang silatin ang world-ranked Super Grandmaster sa opening round ng 17th World Chess Championships na ginaganap sa Tripoli, Libya.

Dahil sa isang ligaw na pawn, naitala ni Paragua, may ELO rating na 2529, ang malaking upset kontra kay Super GM Viktor Bologan (ELO 2665), world No. 36 matapos ang 42-moves ng Caro Kann Defense-Panov Variation.

Sa kabilang dako, ang kasalukuyang Asian 3.2 Zonal champion na si IM Ronald Dableo (ELO 2426), ay nagkasya lamang sa draw sa kanyang laban kontra sa isa ring Super GM na si Liviu-Dieter Nisipeanu (ELO 2692) ng Romania matapos ang 52 moves ng English Opening.

Ginamit ni Paragua ang kanyang paboritong King’s Pawn Opening, ngunit mas pinili ng No. 1 player mula sa Moldova na gamitin ang Caro-Kann Defense, sa pag-aakalang malilito niya ang Pinoy IM.

Hinarang ni Paragua ang daan ng malakas na bishop ni Bologan sa pamamagitan ng pawn sacrifice sa d4 habang naghihingalo na ang kanyang rook sa f-file.

Nasira ang diskarte ni Bologan kaya sumuko ito matapos ang walong moves.

Dahil sa panalong ito, nangangailangan na lamang ang 1998 World Under-14 rapid champion ng draw sa kanyang ikalawang match na kasalukuyan niyang nilalaro habang sinusulat ang bali-tang ito kagabi para makalaban ang mananalo sa pagitan nina GM Sergey Dolmatov (ELO 2573) ng Russia at Super GM Alexander Moiseenko (ELO 2630) ng Ukraine.

Kung makakasilat si Dableo, posibleng makalaban nito si GM Sergei Tiviakov (ELO 2593) ng Netherlands o Super GM Gabriel Sargissian (ELO 2614) ng Armenia.

ALEXANDER MOISEENKO

BOLOGAN

CARO KANN DEFENSE-PANOV VARIATION

CARO-KANN DEFENSE

DAHIL

ELO

ENGLISH OPENING

GABRIEL SARGISSIAN

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

PARAGUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with