^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Isa na lang para sa Viva Mineral Water

-
Ang pinakamaliit nilang manlalaro ang sinandigan ng Viva Mineral Water-FEU upang ungusan ang karibal na Welcoat Paints at ilapit ang kanilang sarili sa trono ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.

Lumikha ang point guard na si Warren Ybañez ng 4 na malalaki at krusiyal na ‘play’ sa huling 44 segundo para buhatin ang Water Force sa 66-64 tagumpay at 2-1 bentahe sa best-of-five finals series.

Matapos ang unang dalawang mabagal at puno ng depensang laro, ang Viva at Welcoat ay kapwa umuusok na pumalaot sa labang ito, na tinampukan ng 17 three-pointer, kabilang na ang 8 sa unang yugto.

Subalit sa bandang huli, ang depensa, kung saan kilala ang Water Force ang siya pa ring namayani.

Ang 5’7 na si Ybañez, ay tumirada ng tatlo sa kanyang 4 na freethrows-- ang huling tatlong puntos sa huling 44.4 segundo--kung saan nagtala rin siya ng dalawang nakapakahalagang steals.

Baon sa 51-59 pag-sapit ng final canto, ang Water Force ay nagsaga-wa ng 12-2 run upang agawin sa Paintmasters ang kalamangan.

Matapos ang triple ni Jay-Ar Estrada may 2:49 ang nalalabi, nagkaroon ng mahabang pananahi-mik ang dalawang koponan hanggang sa basagin ito ng 2 libreng pagbu-buslo ni Ybañez, na sinundan niya ng pag-agaw ng bola kina Dino Aldeguer at Lou Gatumbato. Ang kanyang split charity mula sa foul ni Gatumbato, may 2.9 ang nalalabi sa tikada ang nagselyo sa tagumpay.

Si Ybañez ay tumapos na may 6 puntos, 5 rebounds at 2 steals habang si Cesar Catli ay may 13 puntos at si Arwind Santos naman ay may 12 puntos para pangunahan ang Water Force na may pagkakataong tapusin ang serye at masungkit ang kanilang kauna-unahang titulo sa Game 4 bukas. (Ulat ni Ian Brion)

ARWIND SANTOS

CESAR CATLI

DINO ALDEGUER

IAN BRION

JAY-AR ESTRADA

LOU GATUMBATO

MATAPOS

PASIG SPORTS CENTER

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with