PBL Unity Cup: Viva Mineral Water sa Game 1

Nilimitahan ng Viva Mineral Water-FEU ang Welcoat Paints sa apat na puntos sa overtime upang maitakas ang 59-54 ta-gumpay at 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five finals series para sa PBL Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.

Gamit ang kanilang mala-pader na depensa, kinontrol ng Water Force ang tempo ng laban mula umpisa, kung saan kanilang ipinosas ang opensa ng Paintmasters partikular ang ilang pangunahing manlalaro nito.

Subalit ang panalo ay hindi maisasakatuparan ng Viva kung hindi sa kabayanihan ng point guard nitong si Denok Miranda, na nagbuslo ng isang go-ahead layup may 20.6 segundo ang natitira sa regulasyon, na nagtulak sa laro sa karag-dagang 5 minuto.

Ang Viva ay magtatangka sa 2-0 bentahe sa Martes.

Show comments