Shakey's V-League: 3rd win asinta ng UST Belles vs Letran
June 6, 2004 | 12:00am
Ibibilang ng University of Santo Tomas ang Letran sa kanilang biktima sa kanilang pag-asinta sa ikatlong panalo sa pagbabalik aksiyon ngayon ng Shakeys V-League sa Lyceum gym.
Ang laban, na nakatakda sa ganap na alas-4 ng hapon na isasa-ere sa IBC-13, ay magsisilbing tuneup para sa UST belles para sa kanilang pinakahihintay na laban sa Martes kontra sa San Sebastian College, ang tanging walang talong team na may dalawang tagumpay sa anim na koponang lahok.
Ang Tigress, na babanderahan ni power-hitting Mary Jean Balse, ay nilamog ang De La Salle University, 25-16, 25-20, 22-25, 25-17, sa opening ng event na nagsisilbing pagbabablik ng womens voilleyball sa bansa noong nakaraang linggo. Ito ay sinundan ng impresibong panalo kontra sa Lyceum noong nakaraang Martes, 25-20, 25-23, 25-17.
Ang mga panalong iyon ang nagbigay sa España-based squad bilang team-to-beat sa anim na linggong event na itinataguyod ng Shakeys at inorganisa ng Sports Vision Management Group. Inc. sa kanilang pagsisikap na maibalik ang masasayang araw ng volleyball na naging daan ng ilang tagumpay ng bansa noong 1987 at 1993 Southeast Asian Games.
Ngunit hindi basta-basta kalaban ang Letran, na magtatangkang pigilan ang lumalagong bilang ng biktima ng UST, bagamat bigo sila sa San Sebastian noong Huwebes, 23-25, 25-12, 25-18, 25-21.
Bukod kay Balse, ang iba pang dapat na bantayang manlalaro ng UST ay sina Venus Bernal, Vida Gutierrez, Joyce Pano at Karen Co Yu Kang habang sasandal naman ang Letran kina Kristine Basco, Genelyn Alemanta, Joana Fernando at Cathlea Villaluz.
Sa isa pang laro, tatangkain naman ng La Salle na masungkit ang ikalawang sunod na panalo matapos yumuko sa UST, sa kanilang pakikipagtipan sa Lyceum sa ganap na alas-6 ng gabi bilang main game.
Bigo ang Lady Pirates sa kanilang unang dalawang asignatura tulad ng walang larong Far Eastern University netters at inaasahang maka-kabangon sila ngayon kontra sa Lady Archers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended