^

PSN Palaro

Ferrera naghagis ng rekord

-
Kasabay ng pagbuhos ng ulan, ibinuhos din ng RP team mainstay na si Arnel Ferrera ang kanyang lakas para burahin ang national record sa men’s hammer throw sa pagpapatuloy ng aksiyon sa National Open Invitational Championships sa Rizal Memorial Track and Field Oval kahapon.

Naghagis ang 24-gulang na si Ferrera ng 55.55 metro sa ikalawang hagis na humigit sa 55.28m na kanyang naitala sa nakaraang Southeast Asian Games sa Vietnam noong nakaraang taon.

Pumangalawa sa gold medalist na si Ferrera ang kapwa Airmen na si Jero Perafer na nagtala ng 49.16m para sa silver at bronze kay John Albert Ferrera na may 45.47m.

Samantala, muling nagpasikat ang mga national team members na sina Marestela Torrest at John Lozada nang kanilang umitin ang gintong medalya na nakataya sa kani-kanilang events.

Pinangunahan ni Torres ang kampanya ng Philippine Army nang makopo nito ang gold sa paborito nitong long jump sa women’s division, habang binanderahan naman ni Lozada ang Philippine Navy sa pagsikwat ng ginto sa men’s 800m run.

Lumundag ang 23-anyos na si Torres ng 6-metro upang daigin sina Maricel Sibog ng SCTIA-South Cotabato na nagsumite ng 5.71m para sa silver at Myong-Hee Shin ng Korea na tumalon ng 5.65m para sa bronze.

Nagsumite naman si Lozada ng pinakamabilis na oras na isang minuto at 53.39 segundo para sa 800m run gold kung saan tinalo nito sina Jordan Oberez ng Philippine Air Force (1:55.17) at Boy Oco ng Davao City (1:55.33) para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

Ang dalawa pang ginto ng Philippine Army ay galing kina Pfc Rosie Villarito mula sa women’s javelin throw sa kanyang naitalang 48.51m at Cpl. Alonzo Jardin mula sa men’s 110 high hurdles sa kanyang pinakamabilis na oras na 15.66 segundo.

Sa iba pang resulta, nagwagi din sina Roberto Fresnido ng Air Force sa men’s discus throw (37.73m), Librada Tamson buhat sa University of Baguio sa women’s 800m run (2:18.97), Teeraporn Parum ng Thailand sa men’s 400m hurdles (53.29) at si Zaan Ron ng China sa event nitong women’s 100m hurdles (14.65). (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

AIR FORCE

ALONZO JARDIN

ARNEL FERRERA

BOY OCO

CARMELA V

DAVAO CITY

FERRERA

JERO PERAFER

JOHN ALBERT FERRERA

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with