PBA playoff simula pa lang ng tunay na laban
June 1, 2004 | 12:00am
Ang playoff game sa pagitan ng Coca-cola at Alaska ay simula lamang.
Ang tunay na laban ay masasaksihan kapag may resulta na ang laban at sa pagsisimula ng PBA Fiesta Cup wild card phase bilang prelude ng mahigpitang karera para sa dalawang championship slots.
Ang magwawagi sa pagitan ng Tigers at Aces ay didiretso sa quarterfinals bilang No. 1 kasama ang No. 1 na San Miguel Beer na buhat sa 18 asignatura ay dalawang beses lamang natalo.
Habang ang talunan naman ay makakalaban ang Purefoods sa wild card phase.
Ang iba pang laban, titipanin ng No. 4 Talk N Text na may twice-to-beat din ang 9th seed FedEx, habang ang No. 5 Red Bull naman ay haharapin ang No. 8 Shell at No. 6 Ginebra laban sa No. 7 Sta. Lucia. Ito ang mga laban na knockout games na ibig sabihin isang talo ay talsik na ang team.
Ang makakalusot sa wild card phase ay aabante sa quarterfinals kung saan anim na teams ang hahatiin sa dalawang grupo na may tig-isang foreign guest team bawat grupo. Lalaro ng tatlong laban, dalawang beses sa ka-grupo at isa sa kabilang grupo na ang pangunahing dalawang grupo ay aabante sa semifinals.
Ang magwawagi sa cross-over best-of-five semis ay aabante sa championship.
Ang laban ay kabibilangan din ng kapana-panabik na paghaharap ng mga tinaguriang Game Boys ng PBA.
Makakaharap nina Asi Taulava at Jimmy Alapag ang batang trio nina Jean Marc Pingris, Wesley Gonzales at Ren Ren Ritualo sa Phone Pals-Express duel.
Sina Paul Artadi naman at James Yap, ang pinakasikat sa mga baguhan, ay makikipagtipan naman kina Mike Cortez ng Alaska o Rudy Hatfield ng Coca-cola Tigers.
Makakalaban naman ni Enrico Villanueva ng Red Bull ang best friend na si Rich Alvarez ng Shell. Ang dalawa ay kapwa bahagi ng magkampeon ang Blue Eagles sa UAAP.
Tatangkain naman nina Mark Caguioa at Eric Menk ng Ginebra na maiskoran sina Dennis Espino at Marlou Aquino ng Sta. Lucia Realty.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended