PBL Unity Cup: Toyota Otis pasok sa semis
May 26, 2004 | 12:00am
Ang Toyota Otis-Letran ang umangkin sa huling semifinal slot ng PBL 2004 Unity Cup matapos nilang pabagsakin ang Montana Pawnshop sa pamamagitan ng come-from-behind 73-70 panalo sa kanilang do-or-die match kahapon sa Pasig Sports Center.
Umiskor si Ronjay Enrile ng 17 puntos habang ibinuhos naman ni Boyet Bautista ang lahat ng kanyang 11 puntos sa huling yugto para pangunahan ang Knights, na siyang makakasama ng Viva Mineral Water-FEU, Welcoat Paints at defending champion Hapee Toothpaste sa double round final four.
"Very hard way," ang unang katagang nasambit ni winning coach Louie alas, na bukod sa husay na ipinakita ng kanyang pangunahing manlalaro ay binigyan din ng kredito ang kanilang depensa na pumigil sa post-up at pick-and-roll play ng kalaban.
Baon sa kahabaan ng laro, isang makabaling-likod na 15-0 run, na tinampukan ng 8 puntos ni Bautista at tinuldukan ang triple ni Enrile ang nagbigay sa Knights ng 62-58 bentahe may 5:03 pa ang nasa orasan.
Matapos ang 17-7 exchange na nag-angat sa Jewels sa 70-69, isang follow-up shot ang kinana ni Aaron aban may 15.2 segundo ang nalalabi upang agawin ng Knights ang trangko at makopo ang panalo. Ang dalawang bonus shot ni Dennis Daa ang nagselyo sa iskor. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended