Santos, una sa karera ng MVP sa PBL
May 24, 2004 | 12:00am
Si Arwind Santos ng Viva Mineral Water-FEU na ang siyang nangungunang kandidato para sa Most Valuable Player award sa ginaganap na Philippine Basketball League 2004 Unity Cup.
Ito ay matapos niyang pangunahan ang kanyang koponan sa pagposte ng impresibong 9-1 rekord sa katatapos na elimination round ng season-opening conference na ito.
Ang 6-foot-4 forward at tubong-Lubao, Pampanga na si Santos ay nagtala ng average na 16.4 puntos, 9.9 rebounds at 2.5 blocked shot sa 10 larong kanyang sinalangan. Ang mga numerong ito ang siyang sinandigan ng Water Force tungo sa direktang pagpasok sa semifinals.
Ang tropang ito ni coach Koy Banal ay may 3 larong kalamangan sa pumapangalawang Welcoat Paints at nangangailangan na lamang ng ilang panalo upang maka-akyat sa kampeonato at maisakatuparan ang misyon nilang mahigitan ang runner-up finish noong isang taon.
Nasa hindi naman kalayuan sa karerang ito para sa pinakamataas na indibidwal na parangal ang Paintmaster na si Jojo Tangkay, may ibinabanderang league-best 19.6 puntos, 5.5 rebounds at 1.6 steals kada laro.
Ang 6-foot-1 Cebuano na ito ay nagtatangkang makamit ang titulong nabigo niyang maangkin noong nakalipas na Platinum Cup nang silatin siya ni Peter June Simon ng Fash Liquid Detergent.
Ang iba pang may malakas na potensyal para maging MVP sa torneong ito ay sina Chester Tolomia ng Welcoat, Eric dela Cuesta ng Blu Star, Alex Compton ng Sunkist-UST, Emerson Oreta ng defending champion Hapee Toothpaste, Larry Fonacier ng Lee Pipes-Ateneo, Jon Dan Salvador ng Montana Pawnshop at Mark Isip ng Viva.
Habang si Santos ang nangunguna sa rebounding at blocked shot department, ang kakampi naman niyang si Denok Miranda ang siyang pinakamahusay sa pagpasa ng bola sa iniisyu niyang 5.8 assists per game.
Ang isa pang Water Force na si Warren Ybanez, kasama ang Paintmasters playmaker na si Dino Aldeguer, ang siyang namumuno sa larangan ng pag-agaw ng bola sa inirerehistro nilang 1.8 steals bawat laro.
Samantala, ang Cebuano rookie na si Reed Friar Juntilla ng Teeth Sparklers ang siyang paborito ngayon para sa Top Newcomer award. Kalaban niya dito ang kanyang kababayang si Neil Raneses ng Viva, at sina Boyet Bautista at Dennis Daa ng Toyota Otis-Letran. (IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest