Sambajon, nasa finals ng Billiards Congress of America 9-Ball Open

Sinorpresa ni Santos Sambajon ang 2003 Word Pool Championship runner-up na si Alex "The Lion" Pagulayan, ang Canadian-based Pinoy, sa pinaikling race-to-7 sa loser’s bracket upang itakda ang championship showdown kay Tony Robles sa Billiards Congress of America 9-Ball Open sa Riviera Hotel & Casino sa Las Vegas.

Sinimulan ni Sambajon ang kanyang kampanya para sa titulo sa pamamagitan ng makapigil-hiningang 11-10 win kontra kay giant-killer Rodolfo "Boy Samson" Luat, na nagpataob naman kay 2001 World Pool Champion Mika Immonen, 11-1, ngunit natalo kay Robles, 11-9.

Naipadala si Luat sa loser’s bracket kung saan nakaharap niya uli si Pagulayan sa rematch matapos niya itong gapiin, 11-6 sa torneo.

Si Pagulayan, na ang kumpiyansa ay pinalakas ng tagumpay kontra kay Immonen, 11-9, kay Rodney Morris, 11-4, at Francisco ‘Django’ Bustamante, 11-9, ay pinapa-borang magwawagi kontra sa malamig at methodical na si Sambajon.

Ang California-based Pinoy, na pang-9 sa ranggo sa United States Professional Pool Players roster, kung saan si Johnny Archer ang number 1, ay nakipaghabulan sa 3-0 abante makaraan ang ilang mintis ni Pagulayan.

Show comments