Kumpiyansa ang Lifan 3-on-3 cagefest na maisakatuparan nila ang pagdiskubreng ito sa mga 16 and under basketball triumvate, lalo nat ang 17 stage series na ito ay magdadala sa torneo sa pinakamalayong Pangasinan sa norte pababa sa Zamboanga del Norte sa katimugan.
"Aside from promoting Lifan, now in 70 countries worldwide and is one of the fastest growing motorcycle brands today, we also, in our humble way, give our part in sports development through this search for future national team mainstays," ani Lifan Philippines General Manager Paul Xi.
"This is a nationwide series involving 774 teams comprising a total of 3,870 participants. Surely, from one of these competitors will emerge the Philippines best players in the future," dagdag naman ni tournament director for Luzon Leonardo Ding Andres.
Ang Paete, Laguna ang unang destinasyon ng Lifan 3-on-3 bago magtungo sa Dasmariñas, Cavite sa May 25-26; Lipa, Batangas sa May 27-28; Antipolo, Rizal sa May 29-30; Malolos, Bulacan sa June 1-2; Dagupan sa June 3-4 at Zamboanga sa June 5-6.
Pagkatapos bibiyahe naman ang 3-on-3 tourney sa Naga, Camarines Sur (June 8-9), Legaspi, Albay (June 10-11); Sorsogon (June 12-13); Cagayan de Oro (June 15-16); Valencia, Bukidnon (June 18-19); Dipolog, Zamboanga del Norte (June 20-21); General Santos (June 22-23); Butuan City (June 25-26) at Davao City (June 30-July 1). Ang national finals ay nakatakda sa July 3-4 sa Manila.