Isang maiksing opening program sa alas-7:30 ng umaga ang nakatakda at agad magsisimula ang kompetisyon.
Kabilang sa mga kalahok na koponan ay ang ABS-CBN, RPN-9, Manila Bulletin, Manila Times, Inquirer at ang host team na San Miguel Corporation na kabilang sa Group I.
Pangungunahan naman ng Philippine Star ang Group II na kinabibilangan naman ng IBC-13, DWIZ, Manila Standard at EJAP.
Magkakaroon ng kompetisyon sa mens at ladies singles at doubles, mixed doubles at team event.
Ang format ay best-of-three matches kung saan ang unang makaka-11 puntos ang mananalo.