^

PSN Palaro

Tanamor bibiyahe na sa Athens

-
KARACHI, PAKISTAN -- Nakarating na siya sa Athens, Greece dati para sa ilang maliliit ng torneo ng boxing. Pero ngayon tutungo doon si Harry Tanamor para sa isang prestihiyosong laban.

Ibinigay lahat ng Fili-pino pug ang kanyang makakaya sa 48kg., semifinal bout kontra sa Uzbekistan’s Namajonov Otabek at ipinagkaloob sa kanya ang one-side 36-14 panalo na nagbigay sa kanya ng ticket sa Athens Olympics ngayong Agosto.

Ngayon, pipilitin ng nalalabing pambato ng RP-Alaxan FR team na makumpleto ang kanyang maningning na pagtatapos sa 3rd Asian Olympic boxing qualifying tournament dito sa kanyang pakikipaglaban para sa gold sa lightflyweight final kontra kay Hong Moo Won ng Korea.

"Nakuha rin sa wakas. Para sa bayan natin ito," wika ng mahiyaing 25-anyos na Zamboangueño, na nagpasala-mat rin sa suporta ng koponan na ipinagkaloob ng Alaxan FR, Philippine Sports Commission (PSC), Pacific Heights at Accel.

Ang lopsided na panalo ni Tanamor sa KPT Sports Complex ang naghatid sa apat na Fili-pino boxers na tutungo ngayong taon sa Summer Games.

Kasama ni Tanamor na kakampanya sa bansa para sa inaasam na kauna-unahang Olympic gold medal sina Violito Payla, Chris Camat at Romeo Brin.

Apat na boxers sina--Arlan Lerio, Danilo Lerio, Larry Semillano at Brin ang nagkuwalipika sa Sydney Games apat na taon na ang nakakaraan na pawang mga minalas.

"Now that Harry (Tanamor) has qualified, it’s time to go to the drawing board and implement a rigorous, three-month program for the attainment of the elusive first Olympic gold," pahayag naman ni ABAP chief Manny Lopez.

Ipinamalas ni Tanamor ang katibayan kung paano niya isinentro ang kanyang kampanya para makamit ang kanyang pangarap nang bugbugin ng todo ang Uzbek na kalaban.

Isang mabilis na jab at malakas at solidong kaliwa ng Filipino sa second round matapos na tumunog ang bell sa opening round ang agad na nagpahanga sa mga manonood.

"Nagpakilala na ako agad," wika pa ni Tanamor, na isang Army Corporal.

Matapos nito, hindi na nakuha pang makabangon ni Otabek.

"Maganda ang nilaro ni Harry. Timing lahat ng mga itinapon na suntok," pahayag naman ni coach George Caliwan, na inaasistihan ni Pat Gaspi.

vuukle comment

ALAXAN

ARLAN LERIO

ARMY CORPORAL

ASIAN OLYMPIC

ATHENS OLYMPICS

CHRIS CAMAT

DANILO LERIO

GEORGE CALIWAN

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with