PBL Unity Cup: Hapee sinorpresa ng Lee Pipes

Sa pagkakataong ito, hindi na hinayaan ng Lee Pipes-Ateneo na dumulas sa kanilang kamay ang tagumpay.

Sa pamamagitan ng balanseng pag-atake, maagang iniwan ng Blue Eagles ang defending champion Hapee Tooth-paste at pagkatapos ay kanilang nilusutan ang mga paghahabol nito upang maitakas ang 87-81 panalo kahapon sa PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Tumikada si Larry Fonacier ng 17 puntos, kabilang ang 8 sa huling yugto, habang apat sa kanyang mga kakampi ang nagtala ng 10 o higit pang puntos para banderahan ang Lee-Pipes na pinutol ang 5 sunod na kabiguan at nakamit ang pambuwenamanong tagumpay sa liga.

Ang Blue Eagles ay lumamang sa 48-29 may 22 segundo ang nalalabi sa first half at nanatili sa trangko hanggang sa huli.

Ang tanging nagawa na lamang ng Teeth Sparklers matapos ito ay ang makalapit sa 4 na puntos, 48-52 sa kalagitnaan ng third canto, na agad din namang inapula ng Blue Eagles.

Show comments