^

PSN Palaro

3 RP chessers yumukod sa Dubai chessfest

-
Makaraang magpasiklab sa first half ng tournament pawang nabigo ang lahat ng tatlong Filipino chessers sa kani-kanilang mga kalaban noong Biyernes sa fifth round ng kalagitnaan ng Dubai Open Chess Championship na gi-naganap sa Dubai, United Arab Emirates.

Unang naupos si International Master Nelson Mariano II na nabigo kay GM Pavel Eljanov ng Ukraine sa 50 mo-ves ng King Indian Defense.

Nagsagawa ang 11th see-ded na si Eljanov na ang FIDE rating ay 2592 kumpara sa 2416 ni Mariano ng pansamantalang sakripisyo sa kanyang Queen upang mai-panalo ang pakikipagpalitan ng Rook para sa Bishop at iangat ang kanyang pawn tungo sa panalo.

Natalo naman si IM Barlo Nadera (2300) kay GM Artashes Minaslan (2505) ng Armenia sa 40 sulungan ng Benoni defense matapos na ang una ay basagin ang queenside patungo sa lan-das ng pamamayani sa kanyang kabayo at napilitang mag-resigned ang Pinoy.

Hindi naman natagalan ni GM Bong Villamayor (2469) ang apat na oras na labanan nang sumuko ito sa end game kay GM Mikhall Ulbin (2579) ng Russia sa 49 moves ng French defense.

Bunga ng kanilang pagkatalo, sina Mariano, Nadera at Villamayor kasama ang walong iba pang players ay magkakatabla sa 3.5 puntos. Apat na rounds na lamang ang nalalabi, may pag-asa pa sina Mariano at Nadera na makopo ang inaasahang GM norms na siyang kailangan nila para sa pagiging ganap na Grandmaster.

ARTASHES MINASLAN

BARLO NADERA

BONG VILLAMAYOR

DUBAI OPEN CHESS CHAMPIONSHIP

INTERNATIONAL MASTER NELSON MARIANO

KING INDIAN DEFENSE

MARIANO

MIKHALL ULBIN

NADERA

PAVEL ELJANOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with