8 RP tracksters pa-Bangkok
April 24, 2004 | 12:00am
Pangungunahan ng walong gold medalists ng RP athletics squad sa 2003 Vietnam SEA Games ang mabigat na crack squad na lilipad patungong Bangkok sa Linggo upang lumahok sa prestihiyosong Thai Open na nakatakda sa Abril 27-30.
Ang koponan ay babanderahan ng Olympics-bound na sina Eduardo Buenavista at Lerma Bulauitan-Gabito na ang kanilang paglahok sa nasabing event ay bahagi ng kanilang individual na preparasyon para sa Summer Games sa Athens.
Ang iba pang kakampanya ay sina 400m specialist Ernie Candelario, javelin thrower Danilo Fresnido, steeplechaser Rene Herrera, marathoner Alan Ballester, 1,500m winner John Lozada at hammer thrower Arnel Ferrera. Sila ay sasamahan ng head coach na si Isidro del Prado at asst. coach Luisito Artiaga.
Lalahok si Buenavista na may hawak ng RP record sa 42.915km event (2:18.44) sa 5,000 kasama si ballester, sila ay sasabak sa 10,000m.
Sisikapin naman ni Gabito na maduplika ang o kundi man ay mapaganda ang kanyang 6.50m na talon noong nakaraang taon Asian championship kung saan siya ay sumungkit ng bronze sa womens long jump.
Ang iba pang kukumpleto sa listahan ay sina Vietnam bronze medalists Joebert Delicano (mens long jump), Mercedita Manipol (womens 10,000m), at ang 2003 Asian Grand Prix bronze winner Maristella Torres (womens long jump) at ang 4x400 relay mens team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended