^

PSN Palaro

Novo Ecijano nalo sa Cabanatuan lap

-
CABANATUAN City--Kumuha ng lakas si Joel Calderon mula sa kanyang pamilya at mga kababayan sa Guimba, Nueva Ecija para kunin ang Stage 8 ng Air21 Tour Pilipinas habang naidepensa naman ng STAR Carrier na si Enrique Domingo ang kanyang over-all leadership kahapon.

Bago dumating sa bayan ng Guimba, nakaramdam na ng hirap at pagod si Calderon ngunit nang makita ang suporta ng mga kababa-yan at nang mapadaan ito sa kanilang Barangay sa Lennec kung saan naroroon ang kanyang pamilya at kamag-anak, nagkaroon ito ng lakas.

Ito ang kanyang ginamit para makakawala sa 8-man lead pack na kinabibilangan ni Domingo, ang team captain ng Postmen at Rhyan Tanguilig, ang team skipper naman ng PLDT, para makakawala ng tatlong minuto at tapusin ang 144.40 kilometrong Dagupan-to-Cabanatuan Stage 8 sa loob ng tatlong oras, 27-minuto at 35 segundo nang nag-iisa.

"Nung makita ko ‘yung mga kababayan ko at pamilya ko, parang nagkaroon ako ng lakas kaya tumira ako hanggang sa nakawala na ako," kuwento ni Calderon.

Mula sa 12th place, umangat ang rice farmer na si Calderon na sinalubong ng kanyang asawang si Hilda at tatlong taong gulang na anak na si Jane sa finish line, sa ikatlong puwesto sa likod ng nananatiling overall leader na si Domingo na siyang stage runner-up at ang pumapangalawa na ngayong si Tanguilig na siyang puma-ngatlo sa stage.

Si Domingo ay may kabuuang oras na 33:32.05 na may 7:19 minutong distansiya sa kasabayan nitong tumawid sa finish line na si Tanguilig na umahon mula sa fifth spot sa overall.

"Nalaspag ako kasi ang aga naming nag-breakaway. Nasa Malasiqui pa lang kami, narinig kong may kumawala na kaya humabol ako, pagdating ko sa unahan, nakita ko, nandun na si Tanguilig," sabi ng 35-gulang na si Domingo, tubong San Carlos, Pangasinan na siya pa ring magsusuot ng yellow jersey sa 145-kilometrong Cabanatuan-to-Solano Stage 9 ngayon na may matarik na ahon sa Dalton Pass.

Patuloy naman sa pag-iipon ng puntos si Domingo para sa kanyang target na ikaapat na Sprint King title nang muli nitong kunin nito ang anim na puntos sa dalawang sprint stretches para sa kabuuang 33 puntos na milya-milya ang layo sa kanyang pinakamalapit na kalaban sa P50,000 prize na si Villamor Baluyot ng Samsung.

Nanguna ang Beer na Beer sa stage para sa team competition ngunit sapat lamang ito para maibaba nila ng mahigit tatlong minuto ang kanilang agwat sa nangunguna pa ring Postmen na may 20:44 distansiya sa kanilang aggregate time na 100:42.24.79 habang nasa ikatlong puwesto na ang Dole na may 23:40 minutong agwat.

Nabalasa ng husto ang top ten individual overall ng karerang ito na suportado ng Summit, ang official water; Pharex, ang official multivitamins; Red Bull, ang official Energy Drink, Elixir Bikeshop, ang official sponsor ng neutral vehicle, Isuzu, Lacto-vitale at Gatorade.

Bumagsak sa fourth place mula sa second overall si Eusebio Quinones ng Purefoods may 12:40 minutong distansiya sa yellow jersey; kasunod si Tomas Martinez ng Beer Na Beer na umangat ng isang puwesto (12:49), Merculio Ramos ng Samsung na bumagsak mula sa fourth (12:58), Albert Primero ng Dole (13:14), Santy Barnachea ng Mail & More na umangat mula sa 10th place (15:47), Joseph Millanes ng Postmen na nanggaling sa 16th spot (15:52) at Renato Dolosa ng Metro Drug na galing sa 11th place (16:09).

ALBERT PRIMERO

BEER NA BEER

CABANATUAN STAGE

DALTON PASS

DOMINGO

ELIXIR BIKESHOP

ENRIQUE DOMINGO

EUSEBIO QUINONES

GUIMBA

TANGUILIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with