^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: May nais maisakatuparan ang Welcoat

-
Tatlong bagay ang nais maisakatuparan ng Welcoat Paints sa pagsa-gupa nila laban sa defending champion Hapee Toothpaste sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Ang laban ay itinakda sa ganap na ika-4 ng hapon matapos ang pag-haharap ng Viva Mineral Water-FEU at Sunkist-UST sa pambungad na sultada sa alas-dos.

Una, hangad ng Paint Masters na maipadyak sa 5 panalo ang tangan nilang malinis na rekord. Ikalawa ay ang mapanatili at mapatatag ang kanilang kapit sa liderato, at ang ikatlo at marahil ay pinaka-importante sa lahat- ay ang makapaghiganti sa koponang bumigo sa kanila na makamit ang ika-6 na titulo noong nakaraang komperensya.

Matatandaang ang Welcoat at ang Fash Liquid Detergent (dating pangalan ng Hapee) ang siyang nagharap sa kampeonato ng 2003 Platinum Cup, na ang best-of-5 series ay pinagwagian ng huli, 3-2.

Ang Welcoat ay manggagaling sa 83-76 pagpapabagsak sa Sunkist noong Sabado at ito ay muling sasandig sa troika nina Jojo Tangkay, Chester Tolomia at Ariel Capus, na inaasahang tatapatan nina Mark Macapagal, Francis Mercado at ng Cebuano rookie na si Reed Juntilla.

Samantala, aasintahin naman ng Water Force na maisukbit ang ikatlong sunod na panalo at mapalawig ang kanilang karta sa 5-1 sa pakikipagsalpu-kan nito sa biglang nawalan ng bangis na Tigers.

Ang Viva ay kagagaling lamang sa 89-76 paglampaso sa Lee Pipes-Ateneo kamakalawa. Ang tanging kabiguan ng tropang ito ni coach Koy Banal buhat sa kamay ng Welcoat, ang 89-80 pagyuko noong Abril 6.

Ang Sunkist naman, matapos ang 3-0 start ay nakatamo ng magkata-likod na pagdapa, pinakahuli ay ang naturang kabiguan kontra sa Paint Masters. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG SUNKIST

ANG VIVA

ANG WELCOAT

ARIEL CAPUS

CHESTER TOLOMIA

FASH LIQUID DETERGENT

FRANCIS MERCADO

HAPEE TOOTHPASTE

JOJO TANGKAY

PAINT MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with