Tampok din ang 8 pangunahing players sa world top 50, ang kompe-tisyon na magsisimula sa Sabado kung saan magbibigay ng oportunidad sa 32 kalahok na makakuha ng qualifying points patu-ngo sa World Pool Championships sa July.
Dagdag pa dito ang prize money na US$50,000 para sa Hong Kong leg na ito at sa mga susunod pang yugto ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Taipei (May 7-9) at Manila (May 29-30). ang main draws ay kinabibilangan ng mga players mula sa 12 Asian countries.
Tanging si Efren Bata Reyes pa lamang ang nanalo makaraang ma-sweep ng tinaguriang "The Magician" ang titulo sa Singapore at Ho Chi Minh City. Sa Ho Chi Minh, tinalo ni Reyes si Chao Fong Pang ng Chinese Taipei habang inangkin niya ang titulo sa Singapore kontra sa kababayang si Warren Kiamco.
Sina Reyes at Chao ay pawang mga dapat na bantayang manlalaro sa Hong Kong. Gayunpaman, malakas din ang kanilang haharaping hamon kung saan tiyak na babangon si Bustamante mula sa hindi magandang performance sa dalawang naunang leg at hindi rin pahuhuli ang triple runner-up ng Tour na si Kiamco at sina Busan Asian Games 9-Ball bronze medalist at kasalukuyang world number 9 na si Jeong Young Hwa ng Korea, at ang Singapore leg champion noong nakaraang taon na si Yang Ching Shun at two-time world youth champion Hsia Hui Kai ng Chinese Taipei.
Ang ikatlong yugto ng tour ngayong 2004, na iho-host ng Hong Kong ay lalahukan din ng kanilang pambato na sina 2002 Asian Games snooker event medalists Au Chi Wai, Fung Kwok Wai at Dek Chiu at Thomas Wong. Lahat ng aksiyon ay mapapanood sa STAR Sports sa Mayo 1-2.
May patnubay ng Asian Pocket Billiard Union, ang San Miguel Asian 9-Ball Tour ay inorganisa ng ESPN STAR Sports Event Management Group (EMG).