^

PSN Palaro

2004 Tour Pilipinas Celeste humataw na

-
NAGA City -- Bisperas ng karera, tumawag si Felix Celeste, ang team skipper ng BIR Vat Riders, sa kanyang asawang si Joselyn na nasa Italy para ialay sa kanya ang unang stage ng Air21 Tour Pilipinas.

Pinagtawanan ito ng kanyang asawa.

Ngunit pagkatapos ng pangunahan ang 141-kilometrong Sorsogon-to-Naga stage, kay Celeste ang huling halakhak.

"Tumawag ako sa asawa ko. Sabi ko, para sa kanya itong stage, pinagtawanan niya ako," sabi ng 32-gulang na si Celeste, tubong Urdaneta, Pangasinan. "Tatawag uli ako sa kanya mamayang gabi, ewan ko lang kung anong masasabi niya," dagdag pa ng beteranong rider na nakabase na sa Italy at umuwi lamang dito para lumahok sa 17-stage, 21-days race na ito.

Ang tagumpay na ito ni Celeste na tumapos ng karera sa loob ng tatlong oras, 19.44 minuto na nagsubi ng P10,000 bilang stage winner, ay bunga ng kanyang masusing training simula pa lamang sa Italy hanggang sa umuwi siya dito sa bansa kasama ang kanyang dalawang anak na iniwan niya sa Baguio City.

Kaya naman malakas ang loob ni Celeste na ipangako sa kanyang asawa ang panalo sa unang stage kung saan umahon siya mula sa ikaanim na grupo at tuhugin ang mga siklistang kabilang sa Trade team at national team.

Hindi na lumingon pa si Celeste, tumapos bilang 10th overall noong nakaraang taon, nang kumawala ito mula sa ikaanim na grupo sa huling 25-kilometro ng karera hanggang sa inabot nito ang dalawang nangungunang sina Villamor Baluyot ng Samsung at Albert Primero ng Dole Pine-apple.

Pumangalawa kay Celeste na may 33 segundong distansiya ang national team member at 1998 champion na si Warren Davadilla habang si Merculio Ramos naman ang pumangatlo na may parehong oras na 3:20.18 kasabay ang 17 pang siklista.

Kumawala si Davadilla mula sa third group at tinuhog din sina Baluyot at Primero ngunit inabot na ito ng cramps kaya di na nito nasabayan si Celeste sa rematihan.

Ang defending champion na si Arnel Quirimit ng Tanduay ay tumapos bilang 14th overall lamang.

Isusuot ni Celeste ang yellow jersey sa pinakamaiksing stage na Naga-to-Daet ngayon para sa ikalawang yugto ng karerang suportado ng Lactovitale, Pharex Multivitamins, Gatorade, Red Bull, Summit at Isuzu.

Sa team standings kung saan pinagsasama ang oras ng tatlong unang siklista, para sa premyong P1milyon na itinaya ni Tour chairman Bert Lina, nangunguna ang Samsung kasunod ang Dole at pangatlo ang Purefoods.

ALBERT PRIMERO

ARNEL QUIRIMIT

BAGUIO CITY

BERT LINA

CELESTE

DOLE PINE

FELIX CELESTE

MERCULIO RAMOS

PHAREX MULTIVITAMINS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with