^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Coca-Cola muling susubukan ang SMBeer

-
Matapos magpahinga ang PBA Gran Matador Fiesta Conference sa pagbibigay daan sa Semana Santa, inaasahang may sapat na lakas ang San Miguel Beer na mamintina ang kanilang malinis na katayuan at inaasahan ding may panibagong lakas ang Red Bull na posibleng magsalang ng bagong import.

Makakasagupa ng Beermen ang kanilang kapatid na kumpanyang Coca-Cola Tigers sa pambungad na laban ng Eastern Sunday sa ganap na alas-4:10 ng hapon.

Wala pang talo ang San Miguel sa kanilang walong laro kaya sila ang namamayagpag sa pangkalahatang pamumuno.

Ito’y dahil sa tulong ng kanilang eksplosibong import na si Art Long na handang harapin ng Tigers na babanderahan naman ni Mark Sanford.

Kahit na tila matarik na bundok ang kakaharapin ng Tigers na may 5-3 kartada, sa pagsagupa kay Long at sa Beermen, wala pa ring balak si Reyes na magpalit ng kanyang reinforcement.

"My belief is that if we get an import to match up against Art Long, that will only be tour detriment in the long term. When the All-Filipino comes around, we’re not going to have that kind of a player to defend against the likes of Asi Taulava and Eric Menk," paliwanag ni Reyes. "That’s why we’re not going to change imports just for the sake of matching up against Art Long. If we change our import, it will be because we believe the change will help us in the long haul."

Sa ikalawang laro, alas-6:30 ng gabi, magsasagupa naman ang FedEx at ang Red Bull na inaasahang magsasalang ng kanilang ikalimang import sa kumperensiyang ito sa pagbabalik ng kanilang dating reinforcement na si Julius Nwosu.

Si Nwosu, na unang naglaro sa Purefoods bago kinuha ng Red Bull, tatlong taon na ang nakakaraan, ang papalit kay DeAngelo Collins kung siya ay lalaro. Ang mga naunang imports ay sina Carlos Wheeler, Bingo Merriex at Doug Wrenn.

Samantala, unti-unting umaangat ang gate receipts sa ikalawang taon ni PBA Commissioner Noli Eala.

Sa Gran Matador Fiesta Conference, ang ikaapat na torneo sa ilalim ng pamamahala ni Eala, kumikita ito ng P700,000 bawat play date, na lumaki ng 93.33% kumpara noong 2002 season at umangat din ng 6% kumpara din sa unang season niya.

At malaki ang naitulong ng desisyon ni Eala na mas maraming laro ang ganapin sa Araneta Coliseum at mangilanngilan sa Ynares Center sa Antipolo at PhilSports Arena sa Pasig at kung minsan sa Makati Coliseum.

Ang mga sold-out games na ginaganap sa mga pangunahing probinsiya tuwing Huwebes ay nagkapag-ambag din ng maganda sa pagtaas ng attendance. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARANETA COLISEUM

ART LONG

ASI TAULAVA AND ERIC MENK

BEERMEN

BINGO MERRIEX

CARLOS WHEELER

CARMELA OCHOA

COCA-COLA TIGERS

COMMISSIONER NOLI EALA

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with