Garcia,nagbitiw sa FedEx

Nagbitiw si Bonnie Garcia bilang head coach ng FedEx kahapon kahit na nakatikim ang Express ng 97-86 panalo laban sa Sta. Lucia noong Miyerkules ng gabi.

Ito ang kanilang ikalawang panalo pa lamang sa pitong laro sa kasalukuyang PBA Gran Matador Fiesta Conference.

"I told the boys to just give me a victory before I go, para naman graceful ang exit ko. And here I am, fulfilling a promise to step down and give management a free hand in charting the future of this team," ani Garcia.

Isang malaking sorpresa ito para kay FedEx team manager Lito Alva-rez, presidente ng franchise owner Air21 kaya imposible pa raw na makapagbigay sila ng pangalan ng bagong coach.

Dahil dito, pansamantalang hahawakan muna ni assistant coach Jojo Villa ang Express habang wala pang napipiling coach.

"Probably, tomorrow, when we hold our practice, we may be able to narrow down our choices and select our coach. For the meantime, Garcia’s coaching staff, led by Jojo Villa, will handle the team on an interim basis," ani Alvarez.

Matagal nang kabilang sa pamilya ng Air21 si Garcia dahil siya ang naging coach ng Laguna Lakers sa MBA na pagma-may-ari din ni Air21 owner Ber Lina kaya ang kanyang desisyong ito ay isang malaking sakripisyo.

"I love the FedEx organization. Mr. Bert Lina and Mr. Lito Alvarez have been very good to me. And so I’m doing this supreme sacrifice. Pahiyang kung baga, baka sakaling my departure can jump-start a major turnaround by the team." (Ulat ni Carmela Ochoa)

Show comments