^

PSN Palaro

PBA Fiesta Conference: Realtors inaalat pa rin

-
Nagkaroon ng bunga ang intensibong pag-eensayo ng FedEx nang kanilang pasadsarin ang Sta. Lucia , 97-86 sa pag-usad ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum kagabi.

Nakopo ng Express ang kanilang ikalawang panalo sa pitong pakiki-paglaban nang lalo nilang ibaon sa pangungulelat ang Realtors na lublob na ngayon sa 1-7 kartada.

"Gustong-gusto na talaga manalo ng team," pahayag ni FedEx coach Bonnie Garcia. "The only thing we focused on in our last practice were defense and rebounding."

Umiskor si Mike Maddox ng team high 34-points para sa FedEx na nagkaroon ng saysay dahil sa kanilang panalo habang nauwi naman sa wala ang 44 markers ni Derrick Brown dahil sa kanilang kabiguan.

Buhat sa 83-79 iskor, binanderahan ni Maddox ang mainit na 14-7 run para makalayo ang Express na naging dahilan para masiguro nito ang pananatili sa tropa ng Express.

"Maddox is here to stay," ani Garcia. "He’s not yet in his ideal weight. But he’s continuing his individual workout regimen to lose weight. We’re a different team with Maddox."Samantala, lumaki sa P20,000 ang multa ni Art Long matapos magbigay ng testimonya ang ilang witnesses sa pangyayari sa hallway ng Big Dome sa halftime ng San Miguel-Sta. Lucia Game.

Dadako naman ang PBA ngayon sa Tacloban City kung saan nakatak-dang magharap ang Talk N Text at Purefoods.

Nakatakda ang bakbakan sa ganap na alas-5:30 ng hapon sa Taclo-ban City Astrodome.

Inaasahang magpapakitang-gilas si Jimmy Alapag, na ang amang si Crispin ay tagarito, upang bigyan ng kasiyahan ang kanyang mga kababayan. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ARANETA COLISEUM

ART LONG

BIG DOME

BONNIE GARCIA

CARMELA V

CITY ASTRODOME

DERRICK BROWN

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

MADDOX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with