^

PSN Palaro

May sukatan ang pagkuha ng dayuhang coach

-
Hindi naman talagang tutol ang Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) sa pagkuha ng mga local ballclubs ng mga foreign coaches kaya plano ng grupong gumawa ng high standard kung saan susukatin ang mga foreign coaches.

"We’re doing this as yard-stick for foreign coaches. Ayaw na namin kasi pa nang puro away," sabi ni BCAP president Chito Narvasa na panauhin sa PSA Forum sa Manila Pavilion.

Kasama ang legal officers na sina Atty. Ogie Narvasa at Gilbert Santos gayundin sina BCAP officer Tany Gonzales.

Sinabi ni Narvasa, iprinisinta nila ang five-point scheme na nais gamitin ng grupo para sukatin ang susunod na foreign coach na hahawak ng local team na ginagawa ng Talk N Text at Formula Shell sa Philippine Basketball Association (PBA).

Isa sa mga batayan para sa foreign coach ay kailangang naging head o assistant coach na ito sa National Basketball Association (NBA), may 10-year tenure sa U.S. NCAA o may five-year stint sa Continen-tal Basketball Association (CBA).

Ayon kay Narvasa, malaking tulong ito sa Department of Labor and Employment (DOLE), na maaaring gamitin ito bilang guidelines sa pag-a-apply ng foreign coach para sa working permit.

BASKETBALL ASSOCIATION

BASKETBALL COACHES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHITO NARVASA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

FORMULA SHELL

GILBERT SANTOS

MANILA PAVILION

NARVASA

NATIONAL BASKETBALL ASSOCIATION

OGIE NARVASA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with