Beam-Zest-O patakbong Pinoy bigay-todo

Ibubuhos ng Beam Zest-O Patakbong Pinoy, na inorganisa ng Media Runners and Sports Promotions ang kanilang puwersa sa pagdako nito sa Pasig-Pateros at Pagsanjan, Laguna sa Marso 28 at Abril 1, ayon sa pagkakasunod sa special leg na tinaguriang "Araw ng Kagitingan Ultramarathon" na tatahak sa Death march trail mula Bataan hanggang Tarlac sa Abril 14-15.

Ang 5-km events na ito ay humatak ng atensiyon sa dating Video Regula-tory Board (VRB) chairman at sportsman Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., na pumuri sa Zest-O Corporations sa kanilang kapaki-pakinabang na pagtataguyod sa karera sa loob ng limang buwan.

Inanyayahan din ni Revilla ang iba pang kompanya na tularan ang ehemplo ng Zest-O at magpondo sa sports lalo na sa pagho-host ng bansa sa Southeast Asian Games sa 2005.

Show comments