Katatagan sa liderato asinta ng TNT at SMB
March 10, 2004 | 12:00am
Tampok ang top-two teams ng Gran Matador Fiesta Conference ang maglalaban-laban ngayon at dalawang bagitong imports sa pagpapa-tuloy ng eliminations sa Araneta Coliseum.
Parehong wala pang talo ang Talk N Text at San Miguel at isa sa kanila ang madudungisan ang malinis na katayuan sa pagtatapos ng kanilang alas-4:45 ng hapong engkuwentro.
Itataya ng Phone Pals ang kanilang matayog na 3-0 win-loss slate na sinusundan ng SMBeer na may 2-0 kartada.
Sa ikalawang laro sa dakong alas-7 ng gabi, ipaparada naman ng Shell at Red Bull ang kanilang bagong imports sa kanilang sagupaan.
Ipaparada ng Turbo Chargers si Bryan Weathers na siyang pumalit sa mahinang si Marek Ondera habang isasalang naman ng Barakos si Bingo Merriex na pumalit naman kay Carlos Wheeler.
Magkakasubukan din ang mainit na import na sina Randy Holcomb ng Talk N Text at Art Long ng San Miguel.
Sina Asi Taulava, Jimmy Alapag at Willie Miller ang makakatulong ni Holcomb sa pag-akay sa Talk N Text na galing sa 116-104 panalo laban sa FedEx matapos ang 95-90 panalo sa Red Bull at 98-88 pananalasa sa Shell.
Sina Danny Ildefonso, Dondon Hontiveros, Ol-]sen Racela at ang balik aksiyong si Danny Seigle naman ang makakatu-]long ni Long para sa Beer-]men na huling nanalo sa kapatid na kumpanyang Ginebra, 95-82 matapos ang 105-76 panalo sa FedEx.
Taglay ng Red Bull ang 1-1 rekord sa likod ng Ginebra, Alaska at Coca-Cola na pare-parehong may 2-1 kartada habang nakapagrehistro naman ang Shell ng isang panalo matapos igupo ang Pure-]foods sa kanilang out-of-town game sa General Santos City matapos ang dalawang sunod na talo.(Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest