^

PSN Palaro

Pagiging paboritong team pinandigan ng UPHR-Atlas

-
LUCENA City, Quezon -- Muling pinanindigan ng University of Perpetual Help-Rizal ang kanilang reputasyon bilang isa sa mga paboritong koponan nang kanilang ipinoste ang 74-48 paglampaso sa Lyceum of Batangas kahapon para sa kanilang ikalawang sunod na pa-nalo at angkinin ang unang quarterfinals slot sa ginaganap na 58th National Students Basketball Championships sa Quezon Convention Center dito.

Umiskor sina Jon Refuerza at Vladimir Joe ng pinagsamang 31-puntos para trangkuhan ang Altas na nanalo sa Dagupan City based University of Luzon, 94-59 kamakalawa.

Ang NCR eliminations runner-up na UL ay magtatangkang walisin ang Group B sa pagharap nila sa Southern City College sa ganap na alas-3:30 ng hapon ngayon.

Ang SCC ay may tangan na 1-0 record matapos ang 92-69 tagumpay nito laban sa Lyceum noong Lunes.

Sa iba pang laro, pinataob naman ng host team Manuel S. Enverga University Foundation ang Our Lady of Lourdes, 86-62 habang inilampaso ng Angeles University Foun-dation ang Urios College, 80-55.

Sa women’s side naisubi ng Lyceum of the Philippines ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay nang maltratuhin nito ang University of Luzon, 70-27.

Nagbuhos ang 17-anyos na si Christian Alcala ng 22-puntos kabilang ang 14 sa ikatlong yugto upang pangunahan ang Enverga U na uma-ngat sa 1-1 karta at napalakas ang tsansang makuha ang isa sa dalawang round-of-eight slots sa Group C.

Sa cross-over quarterfinal, makakasagupa ng AUF Great Danes at NCR Champion Maritime Institute ang dalawang koponang magmumula sa Group D na kasalukuyang pinangungunahan ng University of Manila na nagtagumpay kontra sa City College of Tugue-garao, 114-61. - (Ian Brion)

ANGELES UNIVERSITY FOUN

CHAMPION MARITIME INSTITUTE

CHRISTIAN ALCALA

CITY COLLEGE OF TUGUE

DAGUPAN CITY

ENVERGA U

ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION

GREAT DANES

GROUP B

UNIVERSITY OF LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with