^

PSN Palaro

Ang ganda-ganda ng Milo TV ads

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Amaze na amaze ako sa bagong TV ads ng Milo.

Ang ganda-ganda ng pagkagawa at talagang very timely sa nalalapit na Olympics na gaganapin sa Athens, Greece.

Magaling ang concept ng naturang TV ad kung saan ipinakita nila ang pagsalin ng mga de-kalidad na atleta na tulad nina gymnast Bea Lucero, basketball great Mon Fernandez, swimmer Christine Jacobs, taekwondo jin Monsour del Rosario at sprint queen Lydia de Vega-Mercado ng kani-kanilang talento sa mga batang athletes na ang pinaka-background ay ang lugar ng Athens, Greece.

Para sa akin ang ganda-ganda ng TV ads na ‘yun.
* * *
Ang speaking of TV ads, may magandang ads din na ginawa ang Adidas pero hindi pa ata ito ipinapalabas. Ito yung parang laban ni Mohammad Ali, ang greatest boxer in the world, sa loob ng ring na ang kanyang nakaharap ay ang anak na babaeng boxer din na si Leila Ali. Sa naturang TV ad na ito isang matinding suntok ang ibinigay ni Leila sa kanyang ama na napangiti na lamang.
* * *
Gusto kong batiin ang Philippine Star badminton team sa kanilang pagiging runner-up sa katatapos na first Data Center Design Corp. badminton tournament.

Maganda ang nilaro ni Mr. Miguel Belmonte, president/CEO ng Star Group of Publications na bagamat mas higit na bata ang mga kalaban ay pinahirapan muna nila ng kanyang ka-partner na si Doddie Gutierrez.

Sa ilang beses ng pagsali ng Phil. Star sa mga mamalaking badminton tournament, ito na ang pinakamaganda nilang pagtatapos.

Hudyat na kaya ito sa pagbulusok ng Phil. Star badminton team sa palarong ito?

Anong sey mo Ms. Tammy Mendoza?
* * *
At last nakalaro na rin ri Rich Alvarez, ang pinagkaitan ng kanyang first game ng Amerikanong coach na si John Moran.

Bagamat natabunan na ito ng mahusay na performance ng ibang rookies na tulad nina James Yap at Paul Artadi na nagpakitang-gilas sa kanilang first game.

Well, talagang ganyan, una-una lang. Pero tiyak ko sasabayan na rin ni Alvarez ang ibang rookies sa mga susunod nilang games.

Di ba Rich?

vuukle comment

BEA LUCERO

CENTER

CHRISTINE JACOBS

DATA CENTER DESIGN CORP

DODDIE GUTIERREZ

JAMES YAP

JOHN MORAN

LEILA ALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with