^

PSN Palaro

SAAN PATUTUNGO?

GAME NA! - Bill Velasco -
Marami ang nagtanong sa inyong lingkod kung tama ba ang ginawa ni Coach John Moran na pagbangko kay Rich Alvarez. Sa isang panig, sino ba naman ang may gustong di maglaro habang nanonood ang buo mong angkan?

Sa kabilang dako, kung kay Moran ipinagkatiwala ang koponan ng Shell, sarili niyang diskarte ang masusunod. At mahaba pa ang magiging karera ni Alvarez. Marami pa naman siyang lalaruin.

Dadalawang linggo pa lang naman ang inensayo ng unang draft pick sa Shell. Maaari ngang hindi pa siya handa.

May mga NBA superstar na nakaranas din ng ganoon. Sa kanyang unang taon sa NBA, halos di nakalaro sa Toronto Raptors si Tracy McGrady. Sabi niya "Kung maaga pa lang ay isinubo na ako sa mga lobo, mas matalino sana akong manlalaro ngayon. Mas marami sana akong naranasan."

Dominado ni Charles Barkley ang tryouts para sa US Olympic team noong 1984. Maging si Michael Jordan ay di makasabay. Subalit mayroon silang di-pagkakaunawaan ni Coach Bobby Knight, kaya ti-nanggal si Barkley. Sa dalawang halimbawa, nagwagi si Knight, talunan ang Raptors.

Nasa katuwiran si Moran, at nasa karapatan niyang ilaro ang sinumang gusto niya. Pero masama ba, o makakasakit sa Shell kung inilaro niya ng kahit limang minuto ang bata? Ano ba naman ang maging sensitibo sa damdamin ng kanyang manlalaro, kamag-anak at tagahanga nito? Ito ba’y pagpapakita ng kanyang kapangyarihan?

Nagtatanong lang naman.

ALVAREZ

ANO

CHARLES BARKLEY

COACH BOBBY KNIGHT

COACH JOHN MORAN

MARAMI

MICHAEL JORDAN

MORAN

RICH ALVAREZ

TORONTO RAPTORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with