^

PSN Palaro

Tambalang Yap-Artadi nagpasiklab

-
Kakaibang Purefoods ang naglaro kagabi nang magpasiklab ang dala-wang rookies na sina Paul Artadi at James Yap para sa buwenamanong 84-80 tagumpay kontra sa Coca-Cola Tigers sa PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum.

Kahit wala na ang import na si Lenny Cooke na nagkaroon ng ankle injury sa kaagahan ng ikatlong quarter, binigyan buhay ng UE Warriors tandem ang TJ Hotdogs kasama ang bagong salta na si Jun Limpot sa final canto.

Si Cooke, na inilabas sa laro na naka-stretcher at idineretso sa ospital para sa operasyon, ay nagtala ng 20 puntos at 14 rebounds kasunod si Noy Castillo na kumana ng 14 puntos.

Sina Artadi at Limpot ay nagtala ng 9 puntos bawat isa habang si Yap naman ay nag-ambag ng 8 puntos lamang ngunit ang kanilang kontribusyon ang naging susi ng Purefoods sa ikaapat na quarter tungo sa tagumpay.

Umiskor si Limpot ng walong puntos sa ikaapat na quarter, kung saan ang kanyang huling basket ay nagbigay sa Hotdogs ng 80-77 kalamangan.

Binigyan naman ni Artadi ng assist si Yap para sa basket na nagpa-natili sa Purefoods sa trangko, 82-79, 38 segundo na lamang ang nalalabi.

Matapos ang split shot ni Reynel Hugnatan na naglapit sa iskor sa 80-82, alistong nakuha ni Artadi ang rebound na kanyang ipinasa kay Castillo na humugot naman ng foul kay Jeffrey Cariaso para tumuntong sa charity line.

Kapwa naipasok ang dalawang bonus shot para iselyo ang tagumpay, may 11.7 tikada na lamang ang nalalabi sa laro. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARANETA COLISEUM

ARTADI

CARMELA OCHOA

COCA-COLA TIGERS

FIESTA CUP

JAMES YAP

JEFFREY CARIASO

JUN LIMPOT

KAKAIBANG PUREFOODS

LENNY COOKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with