^

PSN Palaro

Pinoy X-Gamers pasok sa finals

-
KUALA LUMPUR--Isang Pinoy skateboarding great si Anselm Cas-tañeda ang nakapasok sa final ng park category makaraang lumagpak ng ikalima sa field ng 35 kalahok sa kasalukuyang Asian X Games dito sa Putra Indoor Stadium.

Humatak si Castañeda, nagwagi ng bronze sa 2001 Games sa Thai-land ng 77.33 score sa kanyang unang pagtakbo at tinanghal na natata-nging Pinoy mula sa tatlong kalahok ang umentra sa top 10.

"I like Anselm’s chances (in the finals), because the Australians aren’t here and most of the big names in Japan are absent as well as we’re looking forward to a decent finish," wika ni RP team manager Mark Schultz.

Nagposte naman si Daisuke Mochizuki, ang nag-iisang lahok ng Japan ng 85.67 sa kanyang ikalawang pagtakbo upang dominahin ang lahat ng park qualifiers at itulak si Yao Te Huang ng Chinese Taipei sa No.2 sa kanyang itinalang 84.33 matapos na makapagrehistro ng 84.33 sa kanyang unang takbo. Pinangunahan naman ni Ahmad Fadzil Musa na umiskor ng 81.33 ang apat na Malaysians na nakapasok sa finals.

AHMAD FADZIL MUSA

ANSELM

ANSELM CAS

ASIAN X GAMES

CASTA

CHINESE TAIPEI

DAISUKE MOCHIZUKI

ISANG PINOY

MARK SCHULTZ

PUTRA INDOOR STADIUM

YAO TE HUANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with