^

PSN Palaro

PANIBAGONG CHAPTER PARA KAY ‘MR EXCITEMENT’

FREE THROWS - AC Zaldivar -
History.

Iyan ang itatala ni Paul Alvarez kung tuluyan na nga siyang maglalaro sa Pennsylvania Valleydawgs sa USBL.

Biruin mong siya ang magiging kauna-unahang Pinoy na maglalaro sa ligang iyon. Kinuha siya ni Sam Unera, isa sa mga may-ari ng Valleydawgs at nakatakda siyang umalis para sa Estados Unidos sa susunod na buwan. Ang USBL ay isang summer league na magsisimula sa Abril at magtatapos sa Hunyo.

"Hindi naman pera ang habol ko sa paglalaro sa USBL," ani Bong kahapon sa lingguhang sesyon ng SCOOP sa Kamayan-West. "Nasa sistema ko pa rin ang basketball. Kundisyon pa naman ako. Gusto ko lang talagang maglaro."

At maganda nga ang oportunidad na ito. Kasi nga, kahit na hindi na bata si Alvarez ay makakatulong siya sa Valleydawgs na hawak ni coach Darryl Dawkins, isang NBA legend.

Hindi naman siguro masamang mangarap na baka ma-impress ni Bong ang mga scouts sa Estados Unidos at makapasok din siya sa NBA balang araw kahit na may edad na nga siya.

Ayon kay Unera, okay lang na may edad na si Alvarez. Isa nga iyon sa naging bentahe ng manlalarong tinaguriang "Mr. Excitement."

"May experience na si Bong kung kaya’t puwedeng-puwede siya sa Valleydawgs. Magagamit siguro siya ng average na 25 minutes per game," ani Unera na kabilang din sa mga panauhin ng SCOOP kahapon.

Noong isang taon pa sana gustong kumuha ng Pinoy na manlalaro ang Valleydawgs dahil sa marami namang Filipino basketball fans sa USA. Ang pagkakaroon ng isang Pinoy na player ay magpapataas sa gate attendance at gate receipts nila.

Noong isang taon ay si Yancy de Ocampo na naglalaro pa sa FedEx ang gustong kunin ng Valleydawgs subalit hindi ito natuloy.

"Okay naman si Bong. Mas maliit siya kay Yancy pero mas mataas tumalon at mas exciting na player," ani Unera..Sa paglalaro sa Valleydawgs, si Alvarez ay mayroong guaranteed na monthly salary na $5,000. Puwede na rin iyon dahil mahigit sa P250,000 iyon. Ang salary cap sa PBA ay P350,000 para sa mga superstars.

Ani Unera, nakikipag-usap na siya sa Solar Sports upang ipalabas ang mga home games ng Valleydawgs sa local cable channels. Kung matutuloy ito’y mapapanood ng mga Pinoy si Alvarez sa local television at makikita ng lahat kung kaya nga niyang makipagsabayan sa mga kano.

Malay natin, baka makabalik pa siya sa PBA kung saka-sakali.
* * *
HAPPY birthday kay Aillyn Reyes sa Pebrero 22. Happy weekend na rin kay John Loannis Magno.

AILLYN REYES

ALVAREZ

ANI UNERA

DARRYL DAWKINS

ESTADOS UNIDOS

PINOY

SIYA

UNERA

VALLEYDAWGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with