^

PSN Palaro

MAKINANG NA PANGARAP

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Hindi lamang basketball program ng bansa ang tinutulungan ni Jean Henri Lhuillier. Todo rin ang kanyang suporta sa tennis program natin.

Kasi nga, ang dalawang sports events na ito ang siyang malapit sa kanyang puso. Puwera siyempre sa gymnastics at taekwondo na sport naman ng kanyang maybahay na si Bea Lucero.

Patuloy na sinusuportahan ng Cebuana Lhuillier ang Philippine bastkeball team at mayroon nga itong kasunduan sa Basketball Association of the Philippines magmula noong isang taon. Katunayan, ang Cebuana Lhuillier ang siyang namahala ng training, preparasyon at paglahok ng RP team na nagkampeon sa 22nd Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Hindi nawalan ng loob si Jean Henri nang ang RP Team ay halos mangulelat sa Asian Basketball Confederation (ABC) Men’s Championship at sa halip ay nagsilbi iyong hamon sa kanya.

Katunayan ay pinupuntirya ng Cebuana Lhuillier ang pagtulong sa RP Team para sa susunod na Asian Games na gaganapin sa Doha, Qatar at baka nga ma-etsapuwera na ang PBA dito.

Aapat na manlalaro ang natira sa RP team na nagwagi sa Hanoi at ito’y sina Celino Cruz, Ricky Calimag, Dennis Madrid at Richie Melencio. Ang iba’y umakyat na sa pro ranks.

Kaya naman sa ngayon ay naghahanap ng mga manlalaro hindi sa Maynila kundi sa probinsiya ang Cebuana Lhuillier at napakarami na nilang nakita. Ang mga ito’y iimbitahan sa Maynila at sasailalim sa training.

Puwes, dahil in place na ang basketball program ng Lhuillier, ngayon naman ay tennis ang pinagtutuunan ng atensyon ni Jean Henri. Kamakailan ay sinuportahan niya ang RP Team sa Davis Cup tie nito kontra sa China. Sayang at sinamang-palad tayo.

Ani Jean Henri: "Kulang kasi sa international exposure ang ating local tennis players. Sila-sila lang ang naglalaban dito. Kaya kapag may nakaharap silang foreigners, medyo asiwa sila at matagal bago makapag-adjust."

Kaya naman plano ni Jean Henri na tulungan ang mga top local tennis players na makapaglaro sa ibang bansa, partikular na ang Estados Unidos kung saan linggo-linggo ay may torneo.

Sinabi ni Lhuillier na susuportahan muna niya ang RP No. 1 na si Johnny Arcilla na bibigyan niya ng pagkakataon na makapagkam-panya sa abroad. Hangad niya na sa loob ng dalawang taon ay mapabilang si Arcilla sa Top 200 tennis players ng mundo.

Bagamat mahirap ang goal na ito, naniniwala si Jean Henri na puwede itong abutin kung tama lang ang programang gagawin nila.

So, two-pronged ang atake ng Cebuana Lhuillier. Pangarap ni Jean Henri na makita ang RP cagers na muling mamayagpag sa Asya at pangarap din niyang makita na umasenso ang mga tennis players natin.

Makikinang ang pangarap na ito.

Sana, marami pang tulad ni Jean Henri Lhuillier!

ANI JEAN HENRI

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

ASIAN GAMES

CEBUANA LHUILLIER

HENRI

JEAN

JEAN HENRI

JEAN HENRI LHUILLIER

KAYA

LHUILLIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with