5 Tigers pumirna na, pero Reavis hindi pa
February 12, 2004 | 12:00am
Napapirma na ng Coca-Cola ang kanilang limang players kahapon ng ibat ibang kontrata ngunit hindi pa nila napapalagda si Rafi Reavis na kasalukuyan pang nakikipagkasundo sa management ng kanyang mga bonuses.
Gayunpaman, sinabi ni Coca-Cola coach Chot Reyes na wala siyang magiging problema sa Most Improved Player awardee ng nakaraang taon at pipirma na rin ito ng kontrata ano mang araw.
Napapirma ng Coca-Cola si rookie Gary David, ang Lyceum hotshot na hinugot ng Tigers sa first round ng draft ng two-year deal na nagkaka-halaga ng P2.1 million.
Lumagda rin ang shooter na si Rob Wainwright, na naging instru-mental sa tatlong championship stints noong nakaraang taon kabilang ang kanilang paghahari sa Reinforced Conference gayundin si Will Antonio, ng tig-dalawang taong kontrata ngunit hindi sinabi kung magkano ang halaga nito.
Sorpresa namang pinapirma ng Coca-Cola ng kontrata ang mga re-serves na sina Jec Chia, at Gilbert Lao ng tig-isang taong kontrata ngunit walang sinabi kung magkano.
Wala pa ring katiyakan kung ano ang mangyayari kina Leo Avenido at defender Freddie Abuda
"The philosophy is that we will try to keep last years team as intact as possible," wika ni Reyes.
Samantala, pumirma din ng kontrata sa Sta. Lucia Realty ang dala-wang rookies na sina Nelbert Omolon at Ronald Cuan kahapon ng dalawat kalahating taong kontrata.
Ang high-flying defender mula sa Philippine Christian na si Omolon, no. 8 pick, ay tatanggap ng P2.76 million, P80,000 kada buwan sa unang 18 buwan at P110,000 sa susunod na taon. Ang second round pick na si Cuan, ay pumirma ng P3 milyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended