Pero may balitang lima pa sa miyembro ng Fash team na binubuo ng core ng Ateneo Blue Eagles ay ipapatawag ng kanilang collegiate school na posibleng maglahok ng kanilang sariling team sa PBL.
Ito ay sina point guard LA Tenorio, shooter Larry Fonacier, center Paolo Bugia at reserved players JC Intal at Douglas Kramer.
Isang impormante ang nagsabing magre-reapply ang Ateneo sa PBL na dadalhin ang pangalan ng isang clothing company o fast food chain.
Nais ng Blue Eagles na gamitin ang kanilang exposure sa PBL tournament bilang preparasyon sa 2004 University Athletics Association of the Philippines kung saan nais nilang mabawi ang naagaw na titulo ng Far Eastern.
Nakinabang ang Ateneo sa paglalaro sa PBL nitong huling dalawang taon sa ilalim ng Hapee Toothpaste kung saan nanalo sila ng titulo bago naisubi ang korona sa 2002 UAAP nang kanilang igupo ang arch rival na La Salle.
Inaasahang makakarating na sa Commissioners office ang application ng Ateneo at kung tatanggapin ito ay obligadong pakawalan ng Fash ang limang players.