^

PSN Palaro

Fash malalagasan ng players sa pagpasok ng Atemeo sa PBL

-
Ang akala ng lahat, hindi maaapektuhan ang PBL Platinum Cup Champion Fash Liquid Power sa pag-akyat ng ilan sa kanilang mga players sa professional basketball.

Pero may balitang lima pa sa miyembro ng Fash team na binubuo ng core ng Ateneo Blue Eagles ay ipapatawag ng kanilang collegiate school na posibleng maglahok ng kanilang sariling team sa PBL.

Ito ay sina point guard LA Tenorio, shooter Larry Fonacier, center Paolo Bugia at reserved players JC Intal at Douglas Kramer.

Isang impormante ang nagsabing magre-reapply ang Ateneo sa PBL na dadalhin ang pangalan ng isang clothing company o fast food chain.

Nais ng Blue Eagles na gamitin ang kanilang exposure sa PBL tournament bilang preparasyon sa 2004 University Athletics Association of the Philippines kung saan nais nilang mabawi ang naagaw na titulo ng Far Eastern.

Nakinabang ang Ateneo sa paglalaro sa PBL nitong huling dalawang taon sa ilalim ng Hapee Toothpaste kung saan nanalo sila ng titulo bago naisubi ang korona sa 2002 UAAP nang kanilang igupo ang arch rival na La Salle.

Inaasahang makakarating na sa Commissioner’s office ang application ng Ateneo at kung tatanggapin ito ay obligadong pakawalan ng Fash ang limang players.

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

DOUGLAS KRAMER

FAR EASTERN

HAPEE TOOTHPASTE

LA SALLE

LARRY FONACIER

PAOLO BUGIA

PLATINUM CUP CHAMPION FASH LIQUID POWER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with