Kumalas si Primero sa peloton at tuluyang kumawala para sa maagang breakaway sa unang 40 kilometers at nanatili sa maliit na lead group para sa kanyang fifth overall finish, ang pinakamataas na pagtatapos sa mga Asyano sa 171-km route mula Kelang hanggang sa maliit ngunit progresibong bayan ng Tampin.
Nanalo si American Sean Sullivan ng Team Barloworld sa stage sa kanyang oras na three-hours, 20-minutes at 15-seconds ngunit hindi halos natinag ang overall standings dahil nanatili pa rin si Freddy Gonzales ng Colombia Selle-Italia sa liderato.
Si Primero, na nasa kanyang unang international competition, ay may oras na 3:21.27, isang minuto at 10-segundo ang layo kay Sullivan, na tumawid ng finish line na nauna ng 19 seconds sa main peloton na kinabibilangan ng anim pang Filipino riders.
"Nu'ng makatiyempo ako, bumanat ako mag isa. May sumunod agad pero 'di ko binagalan. Nu'ng lumayo kami sa grupo nagtulungan na lang kami para ma-maintain namin," ani Primero na nakasama sa unang professional cycling team ng Philippines dahil sa kanyang panalo sa provincial races at 12th place finish sa Tour Pilipinas.
Bagamat hindi nakapuwesto si Primero sa top 10 ng Asian classifi-cation, nahatak nito ang Pagcor team para sa best Asian team finish sa stage at nanatiling nasa fourth place ngunit nakalapit sa mga nangungunang Japan, Iran at China. Nanatili sina Ryan Tanguilig at Espiritu sa 8th at 9th rankings ayon sa pagkakasunod sa Asian individual race.