^

PSN Palaro

Chino Trinidad, balik PBL na?

-
Bagamat di pa rin nagbabago ang desisyon nitong mag-resign bilang Commissioner ng Philippine Basketball League (PBL) malaki ang posibilidad na magbabalik si Chino Trinidad para sa 2004 season ng liga.

Ngayon nawala na ang pressure at kontrobersiya na bunga ng ma-tagumpay na pagdaraos ng Platinum Cup finals sa pagitan ng Fash at Welcoat Paints, inamin ni Trinidad na kinokonsedera na niyang bawiin ang kanyang pagbibitiw sa posisyon.

"As of now my decision to resign sticks, but then again, I am reassessing my decision and there’s a big chance that I will be back," ani Trinidad sa PSA Forum kahapon sa Manila Pavilion.

Ayon kay Trinidad, ang kanyang nalalapit na pagsama sa Philippine broadcast team na kokober ng NBA All-Stars sa Los Angeles ay isang magandang break para sa kanya para mapag-isipan ang lahat nang mabuti.

"I just needed time and space to think about it," dagdag nito.

Para hindi nangangapa ang liga sa kanyang pagkawala, iminungkahi ni Trinidad kay league chairman Dioceldo Sy na magkaroon ng search committee sakaling mag-desisyon siyang tuluyan nang iwanan ang PBL.

Sorpresang nagbitiw si Trinidad bilang PBL Commissioner sa kalagit-naan ng best-of-five title series sa pagitan ng Liquid Power, na nanalo ng titulo at ng Welcoat Paint Masters nang mapikon ito sa ipinakita ng ilang Welcoat Players na naglagay ng "Tangkay MVP’ bilang pagpapakita ng kanilang ‘silent protest’ sa pagkakahirang na Most Valuable Player ni Peter June Simon ng Fash.

Nilinaw ni Trinidad na hindi biglaan ang kanyang naging desisyon. "To set the record straight, it was a decision well thought of. It’s not an impulsive or irrational reaction as some people thought it was."

CHINO TRINIDAD

DIOCELDO SY

LIQUID POWER

LOS ANGELES

MANILA PAVILION

MOST VALUABLE PLAYER

PETER JUNE SIMON

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

PLATINUM CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with